*Forgive my grammatical mistakes.
Medj na miss ko lang ang FILKOMU at FILDLAR
Taon
taon, ang MMFF (Metro Manila Film Festival) ang sinisubaybayan ng mga
Pilipino. Ito ang panahon (Disyembre 25 hanggang Enero 8) kung kailan
puro Tagalog lamang ang pinapalabas sa sine. Ang pinakamahusay na
producer, director, at aktor ay may kanya-kanyang “best” awards dito.
Kasalukuyan, kung pag-aaralan natin ng mabuti ang iba’t ibang prinsipyo
sa mga pelikula na maiuukol natin sa ating pagkatao, tiyak na ating mas
mauunawaan ang kahalagahan ng magandang sining pagdating sa pelikula.
Bilang isa sa mga Pilipinong manonood, nais kong ipaalam ang mga salik
ng pelikula na gagamitin natin para maunawaan ang mga prinsipyo at
konsepto sa pelikula, at wag sana natin basta bastang tanggapin ang mga
walang kwentang pelikulang ipinalalabas ng film industry (no offense).
Ang
mga salik ng pelikula ang dapat nating gawing batayan sa paguunawa at
pamamahagi ng mga prinsipyo at konsepto na nakalatad sa pelikula. Ayon
kay Alfaro (2011), ang dapat nating tandaan sa (1) Direksyon, ay kung
paano ipinahatid ng director ang mensahe ng pelikula, (2) Pagganap, ay
kung nabigyan ng bisa ang pagsasabuhay ng karakter, (3) Istoryang
Pampelikula, ay kung nabigyan ng linaw ba ang storya, (4) Disensyong
Pampelikula, ay kung angkop ba sa storya at mga tauhan ang mga ginamit
na kagamitan, kasuotan, tanawin, set at pahanoh, (5) Musikal Iskoring,
ay kung angkop ba ang musika na ginamit sa iba’t ibang emosyon sa bawat
eksena ng pelikula, at para sa akin, (6) Cultural o Historical value ng
pelikula, kung ito’y nakapagbibigay mensahe tungkol sa pagkapilipino
natin at ang kahalagahan ng sining. Sa paggamit ng mga salik na ito,
madali na natin makukuha ang iba’t ibang prinsipyo at konsepto tulad ng
feminism, materialism, atheism, atbp. na dapat nating maunawaan upang
maipamahagi natin sa ating sarili ang bawat klase ng pelikula at syempre
na rin ang kultura at kaysaysayan natin.
Sa halip ng mga
salik na ito, hindi parin maiiwasan na madami ng tamad dahil sa
teknolohiya, at dahil dito, madami na sa ating Pilipino ang mababaw ng
mag-isip. Ayon kay Cruz (2006), ang Philippine entertainment industry ay
hindi lamang isang kaparangan kung pati na rin isang mabagsik na
instrumento upang malapastangan ang mababaw na pag-iisip ng masa. Kagaya
ng “The Amazing Praybeyt Benjamin”, mahahalatang hindi manlang
pinag-isipan ang plot dahil halos dinaan lamang sa mga “pick-up lines”
at kuro-kurong mga eksenang ipinaalam sa audience na “ganito” kayo
mag-isip. Hindi ba dapat na si Praybeyt Benjamin, na tagapagligtas ng
bayan, ay kumilos sa mabuti at matinong paraan? Halos kabaklaan at
kalokohan lang ang mga ginagawa niya at ng ibang characters. At dahil
tayong mga Pilipino ay hindi naman gaanong kalalim mag-isip, masasabi
nating ipinaaalam ng media na “bobo” nga tayo; na magugustuhan din naman
natin yung pelikula kahit wala tayong matututunan dito.
Wag
natin basta-bastang tanggapin na panget at walang kwenta ang mga
pinapalabas. Ayon naman kay Ilda (2011), dapat isang paraan ng
pagpapalaganap ng kultura ang mga pelikula na sa gayon, makakaapekto sa
ating buhay at ang ating paningin sa bayan, sapagkat isang
makapangyarihan na instrumento ito para mabigyan kahulugan kung sino nga
ba tayo. Kung pag-aaralan natin ng mabuti ang mga moral lessons sa
Kubot, The Amazing Praybeyt Benjamin, English Only Please, Feng Shui 2,
My Big Bossing, Shake Rattle & Roll, at Bonifacio, halos lahat ng
ito kakaunti lang ang matututunan maliban sa Bonifacio at English Only
Please (medj). Oo, nakaka-entertain ang mga ito at hindi boring tulad ng
Bonifacio at English Only Please, pero wala namang laman - wala akong
gaanong natutunan, hindi ito nakapagbigay na mabigat na damdamin saakin,
walang naiwan sa puso ko, tila parang pinanonood ko ang utak na may
magulong imahinasyon. Hindi sa gusto kong mang-insulto, ngunit sana may
pagka-intense manlang, yaong bang mangingilabot ka dahil alam mo na
kahit papaano, may nagbago sayo, yung mapapaisip ka talaga? Ngunit
kabaduyan lang ang nakita ko, wala manlang kritiko, halos hindi angkop
sa mga dapat tandaan sa salik ng pelikula, at pwede mo kaagad ibasura
ang pelikula pagkatapos ng isang gamitan. Pwede naman tayo mag-isip,
gumawa ng storya na kapani-panibago, na matutulungan manlang ang
pag-angat ng bansang ito, tulad ng mga indie films na On The Job,
Transit, at Norte Hangganan ng Kasaysayan; hindi yung...mga halimbawa ng
konsepto sa mga panget na pelikula (no offense, last na to).
Sa
panibagong taon, siguraduhin nating higit na maunawaan natin ang mga
salik ng pelikula upang taglay nating maintindihan ang mga prinsipyo at
konsepto na maaring makatulong kahit papaano sa pag-unlad ng bansang
ito. Ang mga pelikula sa MMFF ang iilan lamang sa mga pelikula na
tinutukoy kong mala-mainstream (mala-masa), na dapat nating
dinadalawang-isip bago natin sabihin na maganda ito. Ngunit kung kaya
naman ng mga independent filmmakers gumawa ng nakakapangilabot at
nakakapanibago na mga pelikula, bakit hindi kaya ng mainstream? Tila nga
ba na alam nila na mababaw mag-isip ang masa? Na basta-basta nalang
natin tatanggapin ang binibigay nila? Yung totoo, hindi tayo bobo. Hindi
lang tayo malalim mag-isip. Kaya nagpapabobo nalang tayo. 2015 na teh.
Magbago na tayo.